Par[T] 1 -Dis[T]ractive, Des[T]ructive Ins[T]ructions
[T]urning Off [T]uning In
In a world of neon lights, flashing signs, pumping jeepneys and videoke lovers everywhere...
Shouting thoughts, promotions, provokatations... Suggesting, telling, pushing us to do things and to do that. A lot of times I just wanted to shout (Death growl / death grunts)
"SHUUUTTTT UPPP!!!"
Takot nga ba tayo sa katahimikan o trip lang talaga natin ang magingay? Dati na wi-weirdohan ako kila ate Mezhel ate Jeana, Ptr Jho... Sa tuwing trip nila, pumupunta sila sa prayer mountain. "Bakit kailangan pa nila umakyat ng bundok kung pwede naman makipagusap sa Diyos kahit saan?" Ngaun nandito na ako sa point ng buhay ko na kung saan... "Saan kaya may malapit na sementeryo?"
Napakahirap na maghanap ng lugar ngaun na wala kang maririnig na ingay o kahit anung tunog... Peace and Quiet. No Distractions. Complete Silence. Nothing but Calm. A big enough space into which God can speak into my heart. Unless na lang 4:00 am pa lang gising na ko, o kaya naman 4:00 am na gising pa ko.
Bilang isang tupa na madalas maligaw ng landas (may pagka bulag kasi ang mga tupa), kailangan maging pamilyar sa boses ng pastol...
Par[T] 2 -Figh[T]ing Golia[T]h
The moment I chose to believe - was the moment I became a warrior. Everyday is a Ba[T]tle. Ang pinaka matinding kalaban ko ay ang sarili ko. Sometimes I win, many times I fall. May nagsabi sakin minsan, hindi na daw nagugulat ang Diyos kapag nagkamali ako... bago ko pa gawin ung kasalanan ko alam nya na... Magugulat daw sya kapag hindi ako tumayo at lumaban ulit.
"for though a righteous man falls seven times,
he rises again, and again... and again... and again... and again... and
again...
and again,
but the wicked are brought down by calamity."
-Proverbs 24:16 (paraphrased)
"I'm not afraid to fall
It means I climbed up high
To fall is not to fail
You fail when you dont try
I'm not afraid to fall
I might just learn to fly
And I will spread these wings of mine."
-Superchick
Par[T] 3 -Corrup[T]ing Addic[T]ion
Defense of The Ancient -mas kilala sa tawag na DoTA;
Cabal, RF, SF, Ragnarok, Warrock... Ilan lang yan sa mga kinababaliwang mga online games naming mga kabataan ngayon...
Sa Warrock muntik na"warak" ang buhay ko...
Ayoko ng Dota kasi para lang kayong mga ipis na binigyan ng superpowers...
Ung Warrock mas realistic sya.. para syang counterstrike pero mas ok ang graphics, galaw, diskarte... para ka talagang nakikipag gerahan... feeling ko talaga soldier ako...feeling ko lang yun... Dati kasi mga piyesa lang ng chessboard ang pinagroroyal rumble ko eh.. Sobrang na adik ako at na hook.. Kasabay ng magbabalot sa gabi maglalaro ako. Kasabay naman ng torotot ng tindero ng puto at kutsinta sa umaga saka palang ako uuwi at matutulog... hmmm... ilang klase kaya ang hindi ko napasukan, ilang allowance ang sinayang, ilang gutom ang lumipas...
Christian nako nito mga 9 years na, youth leader and a Levite (Musician). Isang dahilan para madamay lahat ng kristyano at mabansagang "hipokrito" at masabihang "kristyano ka pa naman", "leader ka pa naman"...

Kulisap as "Counterflow" I used the name of our band
Mahirap labanan ang sarili ko, alam kong mali ang ginagawa ko, pero mas malakas ang hatak ng kagustuhang magexcel sa isang mundong ako lang ang gumawa... Nandun na yung yabang na may gusto akong patunayan sa sarili ko at sa mga kalaban ko.. though wala namang pustahan pero nandun ung thrill ng laro hanggang sa pagtulog nagiisip ng malupet na diskarte... the challenge to be the best fighter...
Ang totoo mas madali lang talaga gawin yung mali kesa lumakad sa tama.
Par[T] 4: The AF[T]erma[T]h
Laging nagtatampo, umiiyak ang girlfriend ko dahil wala na yung mga matitinong usapan namin.. at wala siyang magawa sa bisyo ko...
Dahil malayo din ako sa mga magulang ko... nagulat na lang sila kasabay ng pagkagulat ko na dalawang subjects ang binagsak ko. Believe me, sa sermon na inabot ko, parang dalawang tao ang pinatay ko...
Sobrang sakit ng pagkabagsak ko... nagalit ako sa sarili ko... sobrang sakit ng mga narinig ko sa erpats ko... para bang wala ng bukas na naghihintay sa kin... Muntik ko na itakwil ang sarili ko. Kung hindi lang jologs magpakamatay ginawa ko na. nung mga oras na yun ang sarap tumalon sa third floor ng tinutuluyan kong kwarto...
Ang buhay kristyano ay para din palang "RPG" (role playing game)
Hindi ka agad malakas, hindi ka agad magaling, Hind ka agad general. Magsisimula ka sa pagiging peasant or private..Unti-unti ang pag gain ng "exp" o experience, unti-unti ang pag level-up habang nakikipaglaban sa mga "quest" o pagsubok ng buhay...
Sa RPG game na Sims kapag ginawa mong autopilot ang character mo at hinayaan mo syang mabuhay mag-isa, makikita mo kung paano nya wasakin ang buhay nya... mas pinapahalagahan nya ang paglalaro at pagsasaya kesa sa mga bagay na productive... nagkakaroon ng imbalance sa stats ng character mo...
sa Warrock ganun din kapag iba ang nag "Pilot" sa account mo.. for the sake lang na mag level-up ka.. kung hindi magaling ang nag pilot masisira ang
Death to Kill Ratio mo...
Par[T] 5: The [T]urning Poin[T]
Ganun ang nangyari sakin... inagaw ko ang manobela sa Diyos.. ako ang nagpilot ng buhay ko... ako ang umupo sa trono... kaya nawala sa balanse, at yun ang ikinabagsak ko. Ganun pa man Though my God is the same yesterday today and forever, His mercies are new every morning...
Winning Quo[T]e of S[T]arcraf[T]:
"You Are Vic[T]orious"
Dus[T]ing off my knees. S[T]anding up.
"Its never [T]oo La[T]e 'til its over"
As long as I breath and as far as i live...
I would fight this good fight of FaiTh.
SOuLJAH!
"A person who chases fantasies has no sense." -Proverbs 12:11 (NLT)
Endno[T]e:
Casual[T]ies of war:
Nasayang na oras
Nasayang na pera
Napabayaang kalusugan
Napabayaang pag-aaral
Napabayaang relasyon sa girlfriend sa magulang at sa Diyos
Asessmen[T]s: Reasons I S[T]umbled
1.Accoun[T]ability - I was a Lone Soldier.. I kept it by myself, i did'nt ask for help and told no one about it.
2. Sword of [T]ruth - Word of God - I did'nt fight by the sword.
3. Shield of Fai[T]h - I havent put my trust in the authority of Gods Word.
4. Walk wi[T]h the Spiri[T] - I neglec[T]ed my everyday walk with God the Supreme source of power.
"Casting down arguments and every high thing that exalts itself against the knowledge of God, bringing every thought into captivity to the obedience of Christ" -2 Corinthians 10:5 NKJV
"He who s[T]arted a good thing in you is Fai[T]ful to Comple[T]e it."
John 8:36 NIV:
"So if the Son sets you free, you will be free indeed."